Connect with us

Aklan News

ITINUTURONG GUN MAN SA PAGBARIL PATAY SA ISANG DALAGA SA ANDAGAO, NAHULI NA

Published

on

Image|Suspect Ranie Vicente

Numancia – Arestado na ang itinuturong gunman sa pagbaril patay sa isang dalaga sa Andagao, Kalibo nitong nakaraang Byernes ng gabi.

Sa joint operation ng Kalibo at Numancia PNP kasama ang Regional Intel Division 6, naaresto bandang alas 4:45 kahapon ng hapon ang suspek na si Rannie Vicente, 35 anyos ng Dongon East, Numancia.


Narekober din ang isang caliber .38 at caliber .45, mga magazine at mga bala nito mula sa suspek.

Samantala, mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon at iginiit na inosente siya sa pagpatay kay Medina.

Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng Kalibo PNP Station ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Magugunitang naglalakad sa madilim na eskinita pauwi ang biktima kasama ang kanyang ina at kapatid Biyernes ng gabi nang sundan umano ito ng suspek at barilin ng dalawang beses sa tiyan at dibdib na kanyang ikinamatay.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *