Connect with us

Aklan News

28 ANYOS NA LALAKI NAG BIGTI, PATAY

Published

on

Boracay – Nakabitay na ng madiskubre ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay ang isang mister matapos umanong magbigti sa Sitio Cabanbanan, Manocmanoc, Boracay.

Mga dakong alas 8:00 kaninang umaga ng makatanggap ng tawag ang Malay PNP hinggil sa pagpapakamatay ng biktima.


Basi sa inisyal na imbestigasyon Ng Malay PNP napag- alaman na mga dakong alas 3:00 kaninang umaga dumating sa kanilang bahay ang biktima kasama ang kanyang live-in partner at anak nito mula sa isang birthday party.

May nangyari umanong pagtatalo sa pagitan ng biktima at kanyang kinakasama dahil nagseselos umano ang biktima sa mga nakakausap na lalaki ng kanyang live-in partner sa nasabing birthday party.

Sinabi umano ng biktima sa kanyang live-in partner na umalis kaya minabuti nitong lumabas ng kanilang bahay kasama ang kanyang anak para umiwas.

Pagkalipas ng isang oras ay napansin ng babae na tahimik na kaya minabuti nitong bumalik sa loob ng kanilang bahay pero laking gulat nalang nito ng madatnan ang biktima na nakabitay sa likod ng kanilang pinto gamit ang kanyang sinturon at nakakabit sa kanilang window grills na wala ng buhay.

Kung may problema ka nais mo ng kausap, maaari kang tumawag sa:
National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa 0917-899-USAP (8727) o sa 7-989-USAP (8727).
Hopeline PH 24/7 hotlines:
0917-558-4673 (Globe)
0918-873-4673 (Smart)
2919 (toll-free for Globe and TM)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *