Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, BUMANGGA SA DUMP TRUCK NG LGU MALAY

Published

on

Sugatan at confined ngayon sa pribadong ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos bumangga sa dump truck ng LGU Malay.

Nangyari ang insidente alas 9:45 kaninang umaga sa Motag, Malay, malapit sa ospital doon, kung saan nakilala ang biktimang si Joseph Malicse, 60 anyos ng Cubay, Norte, Malay, at ang driver naman ng dump truck na si Chrisly Calizo, 34 anyos ng Cabulihan, Malay.

Base sa imbestigasyon ng Malay PNP, pauwi na sana ang nagmomotorsiklong si Malicse nang makita nito ang makakasalubong na truck na umiwas sa nakaparadang traysikel sa tabi.

Subalit nataranta umano ang biktima rason na aksidenteng bumangga sa kaliwang unahan ng nasabing truck.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo sanhi ng sugat sa kanyang ulo at kaliwang kamay.

Kaagad siyang dinala sa ospital sa Motag, at inilipat kinalaunan sa pribadong ospital sa Kalibo.

Pansamantala namang nasa kustodiya ng Malay PNP ang motorsiklo at ang dumptruck ng munisipyo para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *