Connect with us

Aklan News

2 MOTORISTA, SUGATAN MATAPOS MAGBANGGAAN

Published

on

Kalibo – Sugatan ang dalawang motorista matapos aksidenteng magbanggaan alas 8:50 kagabi sa Roxas Avenue, Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Maynard Tabuena ng Dongon West, Numancia, at Nelson Eusebio Jr. ng Purok 6, C. Laserna St., Poblacion, Kalibo, at pawang nasa legal na edad.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP Traffic Section, pauwi na ng Numancia si Tabuena galing Mabini St., nang aksidenteng makabanggaan umano ni Eusebio pagdating sa bahagi ng traffic light sa Mabini St.

 

Nasa green na umano kasi ang traffic light noon sa harap ni Tabuena, habang nag-‘beating the red light’ umano si Eusebio, rason ng nasabing aksidente.

Sanhi nito, kapwa sila sumemplang sa kalsada at nagtamo ng pinsala sa katawan, kung saan dinala sa ospital si Tabuena, habang tumanggi umanong magpagamot doon si Eusebio.

Nauwi naman sa areglo ang nasabing aksidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *