Connect with us

Aklan News

2 ARESTADO SA ILEGAL NA PAGTITINDA NG GASOLINA

Published

on

Altavas–Dalawa ang arestado dahil sa ilegal na pagtitinda ng gasolina sa Barangay Man-up, Altavas kaninang umaga sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Altavas PNP.

Unang naaresto bandang alas 9:30 kanina ang isang hindi na papangalanang 19 anyos na dalaga na nabilhan ng dalawang litro ng gasolina kapalit ng P100.00 na budol money.

Narekober din sa nasabing operasyon ang kabuuang 23.5 litro ng gasolina na nagkakahalaga ng P1,057.50 maging ang mga walang lamang lalagyan ng tinitingi nilang gasolina.

Sunod namang naaresto ang isang 47 anyos na ginang matapos umanong nabilhan ng gasolina kapalit din ng P100.00 na budol money.

Narekober din sa nasabing operasyon ang kabuuang 16 na litro ng gasolina na nakalagay sa mga bote ng softdrinks, at ilan pang boteng walang laman na sinisidlan din umano nila ng tingi-tinging gasolina.

Kasunod nito, kapwa sila ikinustodiya sa Altavas PNP Station, kasama ang mga narekober na ebidensya para sa karampatang disposisyon, habang inihahanda ang kasong paglabag PD 1865 o ilegal na pagtitinda ng liquified fuel na isasampa laban sa kanila.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *