Connect with us

Aklan News

MOTORISTA, PATAY MATAPOS MABANGGA NG NAKASALUBONG NA MULTICAB

Published

on

Photo| Ria Sombilon

Nabas Aklan – Patay ang isang motorista matapos mabangga at maipit ng nakasalubong na multicab kaninang umaga sa Brgy. Rizal, Nabas, Aklan

Ang biktima ay nakilalang si Marlon Martinez, 36 anyos  residente ng Brgy. Camanci Norte, Numancia Aklan, nakilala Naman  ang driver  ng multicab na si Orlan Caballes, 47 anyos at residente naman ng Sitio Tabon Bukid, Brgy. Caticlan, Malay, Aklan.

Ayon kay PSSgt. Melvin Alba ng Nabas PNP galing sa Numancia at papuntang Caticlan ang biktimang si Martinez at pagdating sa kurbadang bahagi ng nasabing lugar ay nag-overshoot ang multicab na kasalubong ng biktima dahilan na mabangga ang motor na minamaneho Ng biktima.

Dahil sa aksidente  naipit ng multicab  ang  biktimang si Martinez na agad isinugod sa Malay District Hospital pero binawian din ng buhay.

Samantala sugatan naman ang driver ng multicab na si Caballes na  naka-confine naman ngayon sa pribadong ospital sa Kalibo.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Nabas PNp sa nasabing aksidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *