Connect with us

Aklan News

LALAKI, SUGATAN MATAPOS MABANGGA NG MOTORSIKLO

Published

on

Numancia – Confined ngayon sa pribadong ospital ang isang lalaki matapos mabangga ng motorsiklo alas 5:30 kahapon ng hapon sa Bulwang, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Habib Sultan, 45 anyos ng Purok 4, Bulwang, Numancia, habang kinilala naman ng Numancia PNP ang driver ng motorsiklong si Manuel Rebanio, 21 anyos ng Purok 3 C. Laserna St., Poblacion, Kalibo.


Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, tumatawid sa unahan ng Bulwang, Elementary School ang biktima nang aksidenteng mabangga ni Rebanio na papunta naman ng Camanci Norte, Numancia.

Resulta, nagtamo ng pinsala sa katawan ang biktima na kaagad ding isinugod sa ospital.

Samantala, hindi naman umano nasugatan ang driver, subalit nasa kustodiya siya ngayon ng Numancia PNP para sa karampatang disposisyon.

Nabatid na lasing ang nasabing driver nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *