Connect with us

Aklan News

44 ANYOS NAKURYENTE, PATAY

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos makuryente bandang alas 10:00 kahapon ng umaga sa Sitio Indoy, Guanko, Balete.

Nakilala ang biktimang si Helsul Launio, 44 anyos ng nasabing lugar.

Batay sa impormasyon ng Balete PNP mula sa anak ng biktimang si Jocel, nililigpit umano ng kanyang ama ang mga nakalaylay na linya ng kuryente sa labas ng kanilang bahay nang mahawakan umano nito ang walang balat na live wire, dahilan ng kanyang pagka kuryente at pagkamatay.

Hindi na naisugod pa sa ospital ang biktima dahil narin sa kalayuan ng lugar sa bayan at hindi rin ito umano kayang pasukin ng ambulansya.

Samantala, dinala naman kinalaunan ng kanyang pamilya ang labi ng biktima sa isang punerarya sa bayan.