Connect with us

Aklan News

62 ANYOS NA LOLA NA WANTED SA KASONG HOMICIDE, ARESTADO

Published

on

homicide graphics

New Washington — Arestado kahapon ng hapon sa Sitio Tabiling, Mataphao, New Washington ang isang 62 anyos na lolang wanted sa kasong Homicide.

Nakilala ang akusadong si Melrose Morales ng nasabing lugar, na pansamantalang ikinustodiya kagabi sa Kalibo PNP Station.

Inaresto siya ng mga taga Aklan PPO Trackers team, sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case number 15259 ibinaba ni Presiding Judge Nelson J. Bartolome ng RTC Branch 8.

Nabatid na sinampahan siya ng kaso sa pamamagitan ng regular filing dahil sa isang kaso ng pananaga-patay na nangyari sa New Washington nitong nakaraang January 27, 2020.

Ayon sa New Washington PNP, na ang kanyang asawa at anak ay nauna ng sinampahan ng kaso na siyang itinuturong suspek pagpatay, subalit may nakapagturo umano na siya din noon ang nag-abot ng itak sa kanyang mag-ama.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag tungkol sa kanyang pagkakaaresto ang naarestong lola.

Pansamantala naman siyang makakalaya kapag makapagpiyansa ng P100,000.00.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *