Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, PATAY MATAPOS MAIPIT NG WING VAN

Published

on

disgrasya graphics

Balete — Patay ang isang rider ng motorsiklo matapos mabiktima ng hit and run ng isang wing van at naipit pa ito pasado alas 12:00 kaninang hating-gabi sa highway ng Feliciano, Balete.

Nakilala ang biktimang si Alexander Bernabe, sa legal na edad at residente ng Sitio Pueos, Cortes,
Balete.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Balete PNP, nagmomotorsiklo pauwi ang biktima, habang sumusunod sa kanya ang nagmomotorsiklo ring kababaryo na si Reynald Roberto.

Sinasabing nag-overtake umano si Bernabe sa isang wing van, subalit alanganin umano ang kanyang pag-overtake rason na aksidente itong nasagi ng nasabing sasakyan.

Resulta, tumumba sa kalsada ang biktima, at naipit pa ng gulong ng van ang kanyang ulo.

Kaagad siyang dinala sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Samantala, kaagad ding nakipag-ugnayan sa Altavas PNP ang Balete PNP upang maharang sana ang wing van na may plakang NCR-9630, subalit pinaniniwalaang nakalabas na ito ng Aklan bago paman naireport sa mga pulis ang insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol dito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *