Connect with us

Aklan News

MAY UNANG KASO NA NG NAMATAY SA COVID SA AKLAN

Published

on

MAY UNANG KASO NA NG NAMATAY SA COVID SA AKLAN image

Isa sa mga bagong confirmed cases ng Covid sa Region 6 ay isang 48 years old na babae na taga Numancia, Aklan kung saan ito ay namatay na.

Ayon sa impornasyon, may dati ng sakit ang biktima kung saan dinala ito sa St Pauls Hospital sa Iloilo City noong nakaraang August 2 to 3.

Isinailalim muna ito sa Covid test bago na-admit kung saan negative ang unang result.

Ngunit lumala ang kalagayan nito noong August 4 at muli itong kinunan ng swab sample at inilabas ng Qualimed ang resulta na positive ito sa Covid 19 noong August 6.

August 7 namatay ang biktima sa hospital.

Nagsagawa na kaagad ng contact tracing ang mga otoridad at nakilala na ang mga ito kung saan kasalukuyan ng naka strict home quarantine at nakatakdang kunan ng swab sample.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *