Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL DRIVER NA NAGBEBENTA NG SHABU, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION

Published

on

TRAYSIKEL DRIVER NA NAGBEBENTA NG SHABU, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION photo 1

New Washington –Arestado sa buy bust operation bandang alas 9:30 kaninang umaga sa Rizal St., Poblacion, New Washington ang isang traysikel driver na nagbebenta umano ng Shabu.

Nakilala ang suspek na si Angelo Aguirre Dalida ‘alyas Burdado’, 37 anyos ng Cawayan, New Washington.

TRAYSIKEL DRIVER NA NAGBEBENTA NG SHABU, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION photo 2

Narekober mula sa suspek ang isang plastic sachet ng suspected shahu kapalit ng P1,500.00 na buy bust money.

Isa pang plastic sachet ng suspected shabu ang narekober kasama ang kanyang pitaka na naglalaman ng P5, 150.00 na pera at kanyang mga ID.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasyon.

Pansamantala siyang nakapiit sa New Washington PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 9165 o Anti-Illegal Drugs na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *