Connect with us

Aklan News

LALAKING 2 ARAW NANG NAWAWALA, NATAGPUANG PATAY SA ILOG

Published

on

nalunod graphics

Libacao — Patay na nang matagpuan sa ilog ng Calamcan, Libacao bandang alas 4:00 kaninang hapon ang isang lalaking dalawang araw nang nawawala.

Sa kanyang pagreport sa Libacao PNP, kinilala mismo ni Nelson Villorente ang natagpuang bangkay ng kanyang anak na si Dennis Villorente, 42 anyos, pawang residente ng Ogsip, Libacao.

Ayon pa sa Libacao PNP, nasa dalawang araw na umano ang paghahanap ni Nelson sa kanyang anak kasama ang ilang barangay officials, bago nila ito natagpuan sa ilog ng Calamcan.

Sila narin umano mismo ang kumuha sa bangkay at dinala sa isang punerarya.

Ayon pa sa mga pulis, kumbinsido naman umano ang pamilya, na nalunod sa ilog ang biktima rason ng kanyang pagkawala ng ilang araw.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *