Connect with us

Aklan News

Gov. Miraflores sa mga mayor: Pangasiwaan ang pagsuot ng mandatory face shields na utos ng DOTr

Published

on

DOTR Guidelines Image
Photo: DOTr

NAGLABAS ng memorandum si Aklan Governor Florencio Miraflores na nag-uutos sa mga alkalde na pangasiwaan ang memo ng Transportation department na mandatory na pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong transportasyon.

Layunin ng Memorandum Circular No. 2020-014 ng DOTr na mabawasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga pampublikong sasakyan.

“The directive applies to all public transportation throughout the country, involving the Aviation and Airports, Railways, Road, and Maritime sectors.”

Epektibo ang nasabing memo mula ika-15 ng Agosto.

Maliban sa pagsusuot ng karagdagang face shield sa face mask, marami pang preventive measures ang patuloy na pinapatupad sa mga transport facilities gaya ng social distancing at hand sanitizing.

Hindi rin pinapayuhan ang riding public na makipag-usap sa mobile phones habang nasa pampublikong sasakyan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *