Connect with us

Aklan News

9, ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

9, ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG photo 1

Numancia — Siyam ang arestado sa iligal na sabong bandang alas 3:45 kaninang hapon sa Badio, Numancia.

9, ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG photo 2

Nakilala ang mga naarestong sina Jyad Jamco, 22 anyos ng Badio, Numancia; Mark Jo Gomez 35 anyos ng Dongon East, Numancia; Nel John Cabahug, 35 anyos ng Dongon East, Numancia; Julio Octavio, 45 anyos ng Badio, Numancia; Dennis Escalona, 33 anyos ng Badio, Numancia; Diosdado Milloroso, 18 anyos ng Dongon East, Numancia; Virgilio Rompe, 44 anyos ng Navitas, Numancia; Kent Delgado, 26 anyos ng Dongon West, Numancia; at Frank Lester Celis, 22 anyos ng Dongon East, Numancia, habang nakatakas naman ang isa nilang kasama na si Jormark Dalisay, 36 anyos ng Albasan, Numancia.

Narekober sa mga suspek ang kabuuang P8,712.00; 7 cellphones, at dalawang manok pangsabong.

Ayon kay PLt. Renie Armenio, Officer in Charge ng Numancia PNP, inihahanda na nila ang kasong paglabag sa PD 449 o Illegal Cockfighting na isasampa laban sa mga suspek hahang pansamantala silang nakapiit sa Numancia PNP Station.

Samantala, bagama’t nakatakas, sinabi naman ng Numancia PNP na mahaharap parin sa nasabing kaso si Dalisay sa pamamagitan ng regular filing.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *