Connect with us

Aklan News

TOP 2 MOST WANTED SA AKLAN PPO AT TOP 1 SA LISTAHAN NG NW PNP, ARESTADO SA VALENZUELA

Published

on

Jeffrey Cabales Naplaza photo

New Washington — Dahil sa kasong 2 Counts of Rape, arestado bandang alas 9:45 kaninang umaga sa Family Park, Karuhatan, Valenzuela City ang isang lalaking itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa Aklan PPO at Top 2 Most Wanted Person naman sa New Washington PNP.

Nakilala ang akusadong si Jeffrey Cabales Naplaza, 28 anyos na tubong Guindag-an, Ochando, New Washington, Aklan.

Naaresto siya ng mga elemento ng Aklan PIT, RIU-NCR, Aklan PIB, New Washington PNP at Valenzuela PNP sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No.14974 at 14975 na ibinaba ni Judge Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge 6th Judicial Region RTC Branch 3, Kalibo, Aklan na may petsang September 16, 2019.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Valenzuela City PNP Station para sa karampatang disposisyon bago iharap sa korteng pinagmulan ng kanyang madamyente de aresto.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *