Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE

Published

on

Ibajay — ‘Lumanding’ sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos maaksidente bandang alas 10:00 kagabi sa barangay road ng Tul-ang, Ibajay.

Kinilala ng Ibajay PNP ang biktimang si Jose Carlo Chavez, 19 anyos ng Naligusan, Ibajay.

RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE photo 1

Base sa report ng Ibajay PNP, natagpuan na lamang ng isang residente sa lugar ang biktima sa drainage na kaagad dinala sa Ibajay Hospital ng mga taga MDRRMO.

Naabutan naman ng mga pulis ang motorsiklo ng biktima na nag-‘shoot’ sa maliit na drainage.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na posibleng nagmamadali pauwi ang biktima galing sa inuman, subalit umuulan noon nang mangyari ang insidente, kung kaya’t posibleng nadulas ang minamaneho niyang motorsiklo, hanggang nawalan na siya ng kontrol sa manibela.

Nagtamo ng sugat sa ulo at iba pang parte ng katawan ang biktima na inilipat naman sa provincial hospital kinalaunan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *