Connect with us

Aklan News

LASING NA MOTORISTA BUMANGGA SA POSTE, SUGATAN

Published

on

disgrasya sa kalsada

Numancia — Sugatan ang isang lasing na motorista matapos bumangga sa poste alas 7:40 kagabi sa Laguinbanwa East, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Billy Fernando, 38 anyos ng Andagao, Kalibo.

Ayon sa Numancia PNP, galing sa Numancia at pauwi na sana ang biktima nang aksidente umano itong bumangga sa poste ng road safety warning.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang biktima at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan na kaagad ding dinala ng mga taga MDRRMO sa ospital.

Pansamantala namang nasa impounding area ng Numancia PNP Station ang kanyang motorsiklo matapos ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *