Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINAGA NG NAG-AMOK NA PINSAN

Published

on

tinaga photo

Tangalan – Kasalukuyang nagpapagaling sa Aklan Provincial Hospital ang isang lalaki matapos tagain ng kanyang pinsan alas-11:30 kagabi sa Brgy. Tagas, Tangalan.

Kinilala ang biktimang si Jay Aguello, 34 anyos, ng Tagas, Tangalan at ang kanyang pinsan na si Renz Bautista.

Batay sa ulat, nagising ang biktima nang mag-amok ang kanyang pinsan sa labas ng kanilang bahay kagabi.

Tinangka pa niyang pakalmahin ang pinsan ngunit lalo itong nagalit, kumuha ng itak at tinaga ang biktima sa kaliwang likod at kaliwang paa.

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima para sa agarang gamot.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *