Connect with us

Aklan News

BABAE, NAGBIGTI PATAY GAMIT ANG SLING BAG

Published

on

BABAE, NAGBIGTI PATAY GAMIT ANG SLING BAG photo

Kalibo – Patay na nang matagpuan bandang alas 11:00 kagabi sa mismong inuupahang kuwarto sa Magdalena Village, New Buswang,.Kalibo ang isang 30 anyos na babae.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagulat na lamang ang 24 anyos na live in partner ng biktima na nakabitay sa pintuan ang babae at wala nang buhay, rason na kaagad niya itong tinanggal sa pagkakabitay.

Kaagad ding dumating ang mga pulis at nagsagawa ng imbestigasyon, kung saan nabatid na nag-away umano ang dalawa nitong nakaraang araw.

Umalis umano ang lalaki at kagabi lang bumalik sa inuupahan nilang kuwarto at ang babae lamang ang mag-isang maiwan doon.

Samantala, kaagad ding dinala sa isang punerarya ang bangkay ng babae matapos iproseso ng mga taga Aklan Provincial Crime Lab ang crime scene.

Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad sa pagkamatay ng babae.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *