Connect with us

Aklan News

LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG SHOTGUN

Published

on

LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG SHOTGUN photo

Makato — Kalaboso ang inabot ng isang lalaki matapos mahulihan ng shotgun bandang alas 9:00 kagabi sa Calangcang, Makato.

Kinilala ng Makato PNP ang suspek na si Jaymar Barrientos, 28 anyos, at presenteng residente ng nasabing lugar.

Base sa police report ng Makato PNP, nag-iinuman umano ang suspek sa loob ng kanilang bahay kasama ang ilang miyembro ng pamilya at kapitbahay nang kinuha umano nito ang kanyang baril.

Base pa sa intelligence report na natanggap ng Makato PNP, ipinakita at ikinasa umano ito ng suspek sa kanyang mga kainuman.

Kaagad namang lumarga ang mga operatiba ng Makato PNP na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek habang hawak pa ang isang 12 gauge shotgun at nakaupo sa gilid ng kanilang pintuan.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa piitan ng Makato PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions na isasampa laban sa kanya.

Samantala, kinumpirma naman ng Makato PNP na walang bala ang nasabing shotgun.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *