Connect with us

Aklan News

P200K, TINATAYANG DANYOS SA NASUNOG NA BAHAY NG RETIRADONG PULIS

Published

on

Banga — Tinatayang nasa P200K ang iniwan na danyos matapos masunog ang isang bahay bandang alas 7:40 kagabi sa Bacan, Banga.

Base sa report, pagmamay-ari ng retiradong pulis na si Jimmy Dadivas ang nasunog na bahay kasama ang mga ari-arian nito sa loob.

Base pa sa inisyal na imbistigasyon, nagising na lamang si Dadivas nang makarinig ng mga putok mula sa mga nasusunog na bahagi ng kanyang bahay.

sunog photo 1

Gawa sa light materials ang bahay kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy rason na hindi na niya ito nagawang apulain, lalo pa’t mag-isa lamang siya doon.

Dumating naman ang mga bombero sa lugar, subalit hindi na nila ito naapula.

Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, sinabi naman ni FO1 Jemi Rose Espino, fire investigator ng BFP Kalibo, na “electrical” ang tinitingnan nilang sanhi ng nasabing sunog.

Wala namang napaulat na nasugatan o iba pang bahay na nadamay sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *