Connect with us

Aklan News

7 OUT OF 10, GRADO NI CONG. TED HARESCO SA SONA NI PDU30

Published

on

cong.-haresco

7 out of 10 ang binigay na grado ni 2nd District Cong. Teodorico Haresco sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.

Ipinahayag ni Haresco ito ay dahil halata umano ang pagod sa pangulo at posibleng wala umanong inspirasyon dahil sa limitado lamang ang pinayagang umattend at pinapasok sa Batasang Pambansa kung saan isinagawa ang SONA.

Pero sa kabila nito ang importante umano na sinabi ng pangulo ay may pondo at preparado ang bansa sa pagharap lalo na sa kasalukuyang pandemya.

Inisa-isa naman ni Haresco ang mga salient points sa SONA ng presidente.

Una, ay ang pagtatatag ng Boracay Island Development Authority (BIDA) na ayon sa kanya ay makakatulong ng malaki sa pangangalaga ng isla na itinuturing na “national treausure” ng bansa.

Pangalawa, ang pagtatatag ng Dept. Of Overseas Filipino Workers, Dept. Of Civil Defense at Dept. For Infectious Diseases.

At pangatlo, ay ang pagbuhay uli sa death penalty sa bansa. Pabor ang kongresista na ibalik ang death penalty sa bansa lalo na sa mga bigtime druglords at drug pushers.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *