Connect with us

Aklan News

Update!LALAKING TINAGA NG KAINUMAN, BINAWIAN NG BUHAY

Published

on

Malinao–Binawian ng buhay kahapon habang ginagamot sa ospital ang lalaking tinaga ng kainuman nitong Miyerkules ng gabi sa Cabayugan, Malinao.

Kaugnay nito, kinumpirma ng Malinao PNP na ibinalik sa piitan ng kanilang presento ang suspek na si Arwin Narciso habang inihahanda ang kasong Homicide na isasampa laban sa kanya, sa halip na Frustrated Homicide na unang kasong haharapin sana nito.

Magugunitang tinaga ng suspek sa ulo ang biktimang si Timmy Ibardolaza nang magkasagutan ang mga ito habang nag-iinuman.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *