Connect with us

Aklan News

NETHERLANDS NATIONAL, NATAGPUANG PATAY SA KANYANG INUUPAHANG BAHAY

Published

on

Kalibo — Patay na nang matagpuan bandang alas 11:00 kaninang tanghali ang isang Netherland National sa inuupahang bahay sa Andagao, Kalibo.

Nakilala ang 58 anyos na banyagang si Peter Dirk Bierhaalderl Valk na napag-alamang mag-isa lamang na nakatira sa inuupahang kuwarto sa Andagao dahil hiwalay na ito sa kanyang dating kinakasama.

Napag-alamang may iniindang hika ang biktima at posible umanong hindi nakainom ng kanyang gamot.

Samantala, kinumpirma naman ni PMajor Belshazzar Villanoche, hepe ng Kalibo PNP na walang foul play sa pagkamatay ng biktima dahil wala naman umanong nawala sa mga mahahalagang gamit nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *