Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINAGA NG KAINUMAN

Published

on

tinaga photo

Malinao — Sugatan sa ulo ang isang lalaki matapos umanong tagain ng kainuman bandang alas 9:40 kagabi sa Cabayugan, Malinao.

Nakilala ang biktimang si Timmy Ibardolaza, 35 anyos, at ang kainumang suspek na si Arwin Narciso, 33 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Malinao PNP, nag-iinuman ang dalawa sa bahay mismo ng suspek, subalit nagkasagutan kinalaunan sa hindi pa malamang dahilan, na nauwi naman sa pananaga ng suspek sa biktima.

Kaagad tumakas ang suspek, subalit sumuko kinalaunan sa chief tanod ng barangay na si Alfredo Ibjong, habang duguang nakahiga ang biktima sa higaang nagsisilbi ring lamesa kung saan nag-inuman ang dalawa nang madatnan ng mga pulis.

Kaagad siyang dinala sa ospital at kasalukuyang nasa kustodiya na ngayon ng Malinao PNP ang suspek na nasa impluwensiya pa rin ng alak.

Hindi na narekober ang itak na ginamit ng suspek sa pananaga dahil itinapon niya umano ito bago sumuko sa tanod.

Sinasabing dati na ring may di pagkakaunawaan ang dalawa na tinitingnang dahilan ng insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *