Connect with us

Aklan News

Pitong nagpustaan umano sa Mobile Legend, arestado

Published

on

Photo: gamepur.com

Kalibo – Pitong kalalakihan ang arestado sa Sto. Niño Village, Poblacion, Kalibo mag-aalas 6:00 kagabi dahil sa pustaan umano sa Mobile Legend.

 

Nakilala sa police report ng Kalibo PNP ang mga naarestong sina Virtue King Villarte 25 anyos ng Bulwang, Numancia; Aron Sereno, 21 anyos ng Poblacion, Kalibo; Archie Duyan, 26 anyos ng Tigayon, Kalibo; Alfred Rapiz, 24 anyos ng Poblacion, Kalibo; Christian John Flaviano, 22 anyos ng Buswang, Kalibo; Jemuel Maribojo, 26 anyos ng Camanci Norte, Numancia at John Royce Ramos, 21 anyos ng New Buswang, Kalibo.

 

Base sa report, nakatanggap umano ng sumbong ang intel operative ng Kalibo PNP  kaugnay ng aktibidad ng mga nasabing kalalakihan sa lugar, rason na kaagad pinuntahan ng mga pulis ang lugar at nagsagawa ng covert operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa  mga nabanggit na kalalakihan.

 

Narekober mula sa kanila ang kani-kanilang cell phones, habang narekober naman umano kay Alfred Rapiz ang kabuuang P6,110.00 nilang perang ipinampusta.

 

Pansamantala silang ikinustodiya sa piitan ng Kalibo PNP station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Law na isasampa laban sa kanila.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *