Connect with us

Aklan News

LALAKING WANTED SA KASONG FRUSTRATED HOMICIDE, ARESTADO

Published

on

Banga — Arestado kaninang alas 2:00 ng hapon sa Tabayon, Banga ang isang lalaking wanted sa kasong Frustrated Homicide.

Nakilala ang akusadong si Arnel Debaudin, sa legal na edad at residente ng Manggan, Banga.

Inaresto ng Banga PNP ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case number 1547 na ibinaba ni Hon. Montalid P. Patnubay Jr., Presiding Judge, RTC 6th Judicial Regional Branch 9, Kalibo nito lamang nakaraang July 10, 2020.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa piitan ng Banga PNP Station para sa karampatang disposisyon, subalit pansamantala namang makakalaya kapalit ng piyansang P72, 000.00.

Ayon naman sa Banga PNP, may sinaksak umano nitong nakaraang taon sa Tabayon, Banga si Debaudin, at naisampa ang kaso sa pamamagitan ng regular filing.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *