Connect with us

Aklan News

BABAE NAKURYENTE, PATAY

Published

on

Boracay — Dead on arrival sa ospital ang isang babae matapos makuryente bandang alas 12:00 kaninang tanghali sa Zone 1 Manocmanoc Proper, sa isla ng Boracay.

Nakilala ang biktimang si Floreli Francisco, 29 anyos ng nasabing lugar.

Kuwento umano ng tatay ng biktima sa mga pulis, nakita umano niya ang anak na pumasok sa kuwarto matapos maligo.

Subalit ilang saglit lang umano nang sumigaw at magpasaklolo ang kanyang pamangkin na naroon din sa loob ng kuwarto, rason na dali-dali niya itong tiningnan.

Doon na umano nakita ng ama ang biktimang hindi pa nakabihis at nakadapa habang nakapatong sa kanya ang electric fan.

Sa kanilang pag-uusisa, nabatid na wala namang nasunog sa bahagi ng electric fan o sa saksakan nito nang mangyari ang insidente, subalit posible umanong nakuryente ang biktima nang isaksak niya ang electric fan dahil basa pa ang kanyang katawan matapos maligo.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *