Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL, AKSIDENTENG NAHAGIP NG SUV

Published

on

disgrasya sa kalsada

Ibajay — Agad na dinala sa ospital ang isang driver matapos mahagip ng SUV ang minamanehong traysikel alas 4:30 kahapon ng hapon sa San Isidro, Ibajay.

Nakilala ang biktimang si Garly Sumcad, 49 anyos ng nasabing lugar, at ang 79 anyos na driver ng SUV na si Armenio Cordero ng Tinigaw, Kalibo.

Ayon sa Ibajay PNP, nasa outer lane ng kalsada papuntang Kalibo ang direksyon ng traysikel nang pumunta ito sa gitna o inner lane upang umiwas sa nakakalat na graba doon.

Subalit aksidente naman itong nahagip ng sumusunod sa kanyang SUV, rason upang magtamo ng pinsala sa katawan ang traysikel driver.

Sinasabing umikot pabalik ang traysikel dahil sa lakas ng pagkakahagip ng nasabing sasakyan, subalit mapalad namang hindi tumilapon o nahulog ang biktima.

Ayon pa sa Ibajay PNP, kinakailangang ipa xray ang biktima dahil sa tinamo nitong pinsala sa katawan.

Samantala, nasa kustodiya ngayon ng Ibajay PNP ang driver mg SUV at ang kanyang sasakyan para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *