Connect with us

Aklan News

APOR na papasok sa Aklan mula sa labas ng rehiyon, dapat may negative RT-PCR result

Published

on

HAHANAPAN na ng negative RT-PCR result ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na papasok sa Aklan mula sa labas ng Western Visayas.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta, nakasentro sa APOR ang bagong Executive Order No. 029-C ni Governor Joeben Miraflores na inilabas kahapon July 23, 2020.

Tinitingnan ng lokal na pamahalaan sa ngayon ang malaking posibilidad na maging carrier ng COVID-19 ang mga APOR dahil kumpara umano sa LSIs ay sila ang mas may kakayahan na lumabas pasok sa iba’t-ibang lugar na maaring panggalingan ng sakit.

Iginiit ni Ibarreta na ang mga LSIs ay diretso na sa kani-kanilang quarantine facility kapag dumating sa probinsiya samantalang ang mga APOR ay maraming nakakasalamuha.

Nilinaw naman nito na kung ang APOR ay mula sa Panay island o sa Western Visayas ay hindi na kailangan ng negative RT-PCR result.

Pero ang mga APOR mula sa labas ng rehiyon ay kailangan magpakita ng negative RT-PCR result, maliban sa government issued ID at travel o mission order galing man sila sa high, moderate o low risk areas.

Kaugnay nito ang mga LSIs naman na dadaan sa Aklan papunta sa ibang probinsya sa Panay island ay kailangan magpakita ng certificate of acceptance mula sa kanilang uuwiang LGU para maiwasan ang stranded individuals.

Samantala ang mga dadaan sa Aklan palabas ng rehiyon ay kinakailangan lang magpakita ng certificate of acceptance mula sa Aklan government.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *