Connect with us

Aklan News

2 MANGINGISDA SA BORACAY NASAGIP SA TUMAOB NA BANGKA

Published

on

2 MANGINGISDA SA BORACAY NASAGIP SA TUMAOB NA BANGKA photo 2
Photo Courtesy: RB Bachiller

Maswerteng nailigtas ang dalawang mangingisda sa Boracay makaraang tumaob ang sinasakyang bangka Martes alas-3 ng hapon.

Ayon kay Boracay Action Group-Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers (BFRAV) Communication Officer RB Bachiller, nakilala ang dalawang sakay na sina Mikan Manalo, 28 anyos at Niño Peñoso, 32 anyos kapwa mga residente ng Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay.

2 MANGINGISDA SA BORACAY NASAGIP SA TUMAOB NA BANGKA photo 1

Napag-alaman na habang nangingisda ang dalawa ay biglang hinampas ng malakas na alon ang kanilang bangka.

Isa sa kanila ang nagtamo ng sugat sa paa matapos tamaan ng elise ng bangka na agad naman na binigyan ng first aid ng mga rescuers.

Nabatid na kasalukuyang naka-quarantine ang mga taga Philippine Coast Guard (PCG) kaya hindi na nakaresponde.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *