Connect with us

Aklan News

DALAWANG MOTORSIKLO, NAGBANGGAAN, ISA SUGATAN

Published

on

Kalibo — Isa ang sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo bandang alas 12:50 ngayong hapon sa highway ng Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang sugatang rider na si Josua Delgado, sa legal na edad ng Purok 6 C. Laserna St., Kalibo at Angelo Giovanni Gerona, 39 anyos, isang security guard na taga Antique.

Ayon kay Gerona, palabas na siya sa LTO papuntang Kalibo nang aksidenteng mabangga ni Delgado na pabalik sana ng NFA kung saan siya nagtatrabaho bilang laborer, at maghahatid sana ng pananghalian ng kanyang kasama.

Resulta, parehong sumemplang sa kalsada ang dalawa, at nasugatan sa iba’t-ibang parte ng katawan si Delgao.

Dumating naman ang mga pulis at inanyayahan ang dalawa sa presento upang doon pag-usapan ang magiging disposisyon nila sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *