Connect with us

Aklan News

2 SA 3 SUSPEK SA PANLOLOOB SA OPISINA NG CONSTRUCTION SUPPLY, SASAMPAHAN NG KASO NGAYONG ARAW

Published

on

Photo via TBK Malbert Dalida

Kalibo — Sasampahan na ng kaso ngayong araw ang 2 sa 3 suspek sa panloloob sa opisina ng isang construction supply sa Kalibo.

Ayon sa imbestigador sa kasong si PMSgt. Emel Milleondaga, kasong robbery ang isasampa sa dalawang lalaking suspek, habang pinalaya nila kahapon ng hapon ang babae nilang ka boardmate matapos mabatid na hindi ito kasama sa pagnanakaw.

Samantala, nabatid na P3,420.00 lamang mula sa mahigit P17,000.00 na pera at 6 na laptop ang narekober mula sa dalawa nang maaresto sa Numancia sa isinagawang follow up operation ng Kalibo PNP.

Nabatid na nilooban ng hindi na pinangalanang mga suspek ang establisemyento sa pamamagitan ng pagtanggal sa aircon sa likurang bahagi ng gusali at kinuha ang volt na may lamang pera pati ang mga laptop.

Bagama’t tumangging magbigay ng pormal na pahayag, sinabi ng mga suspek na nakahingi na sila ng tawad sa kanilang amo at sinabing nagawa lamang nila ang krimen dahil nasa impluwensiya sila noon ng alak.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *