Connect with us

Aklan News

TATLO, ARESTADO SA PANLOLOOB SA ISANG OPISINA

Published

on

Photo via TBK Malbert Dalida

Kalibo — Arestado ang tatlong magnanakaw matapos looban ang isang opisina ng construction supply sa Kalibo.

Base sa inisyal na imbestigasyon, natuklasan na lamang ng mga tauhan ng nasabing establisemyento na nakakalat na ang ilang gamit sa loob ng kanilang opisina.

Tinanggal rin umano ng mga suspek ang aircon sa likurang bahagi ng opisina kung saan sila pinaniniwalaang dumaan at nilimas ang nasa P17,000.00 na pera mula sa vault, maliban pa sa 6 na laptop.

Bagama’t nakiusap ang mismong may-ari ng opisina ng construction supply na huwag pangalanan ang mga tauhang suspek, kinumpirma din nito na desidido siyang sampahan ng kaso ang mga ito.

Nabatid na naaresto sa follow up operation ang mga suspek sa Numancia at pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *