Connect with us

Aklan News

WING VAN NA MAY KARGANG ASIN MUNTIK MAHULOG SA PANTALAN NG CATICLAN

Published

on

Muntik mahulog mula sa pantalan ng Caticlan ang isang wing van na may kargang asin bandang alas dose kaninang tanghali sa RORO area ng Caticlan Port.

Ang insidente ay pina-blotter mismo ng driver ng van na si Manuel Labrador, 38 anyos ng Pandi, Bulacan sa Police Community Precint 4, matapos nitong makaligtas sa pangyayari.

Ayon kay Labrador, galing sila ng isa pa niyang kasama sa Mindoro upang magdeliver mg produktong asin nang mangyari ang aksidente sa kadahilanag sumayad sa rampa ng binababaan nitong RORO Vessel ang air tank ng minamanehong van.

Ito umano ang naging dahilan upang matanggal ang tornilyo ng air tank ng nasabing van at nagmitsa sa pagkawala nito ng kontrol sa pagmamaneho at sumampa ito sa concrete barrier ng pantalan.

Kaugnay nito, dumating umano ang isa pang truck na kanilang kasama at inilipat doon ang kargang produktong asin at inuha naman ng crane ng port mula sa pagkakasampa sa barrier ang nasabing van.

Walang nasugatan sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *