Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN MATAPOS BUMANGGA SA KOTSE

Published

on

Kalibo — Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng bumangga sa sinusundang kotse bandang alas 10:20 ngayong umaga sa higway ng Barangay Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang biktimang driver ng motorsiklo na si Victor Nemis, 47 anyos ng nasabing lugar.

Ayon kay Nemis, aminado hindi na niya nagawang mabawi ang manibela matapos umanong biglang huminto sa gitna ng kalsada ang driver ng kotse na si Sonia Regalado, 78 anyos ng Quezon Ave., Extension, Kalibo.

Ayon naman kay Regalado, may dalawang sasakyan ang bigla lang ring huminto, rason din ng kanyang pag minor.

Subalit nagulat na lamang umano siya nang may bumangga sa kanyang likuran na ikinabasag ng ilaw ng minamanehong kotse.

Samantala, dumating naman ang mga taga MDRRMO at ginamot si Nemis, subalit tumanggi na itong magpagamot sa ospital.

Nagka-usap rin ang dalawa pagdating ng mga pulis, at doon din mismo nagka areglo.

Napag-alamang kapwa papunta sa direksyon ng Kalibo ang dalawa nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *