Published
6 months agoon
Isa ang sektor ng transportasyon sa mga naapektuhan ng pandemiya. Dahil sa patuloy na banta nito sa kalusugan, ipinairal ang physical distancing kung kaya’t limitado hanggang dalawang pasahero lamang ang pwedeng sumakay sa mga traysikel. Bilang tugon sa hinaing ng mga tricycle drivers at operators sa bayan ng Kalibo, isang bagong disenyo ng protective barrier ang iminungkahi.
Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Kalibo, sa pamamagitan ng isang resoslusyon ang bagong disensyo, kung saan maaari ng magsakay hanggang apat na pasahero ang mga tricycle drivers. Ang nasabing resolusyon ay isinulong ni Kalibo SB Member Matt Aaron P. Guzman. Makikita sa FB Page ni SB Guzman ang kabuuang disenyo.
Matatandaang mula sa walong pasahero, dalawa na lamang ang pinapayagang sumakay sa mga traysikel ngayon. Naniniwala si SB Member Guzman na malaki ang maitutulong ng nasabing barrieir sa mga tricycle drivers, maging sa mga pasahero.
Umaasa si SB Guzman na aprubahan din ito ng Provincial Inter Agency Task Force (IATF). Aniya, maaari pang magbago ang disenyo ng barrier ayon sa magiging rekomendasyon ng Provincial IATF.
Mga taga-Metro Manila, nangunguna sa listahan ng mga bumibisita sa Boracay
P-Duterte, na ang advance payment para sa Covid-19 vaccine
QR Code Registration para sa mga papasok sa establisyemento ipapatupad na sa lungsod ng Iloilo
Buntis na nag-Positibo sa COVID-19 pinabayaan umano na manganak sa isolation facility, pamilya nag-reklamo
15-day Modified ECQ sa Iloilo City, inaprubahan na ng National IATF – Mayor Treñas
20 NEW CASES NG COVID-19, NADAGDAG SA AKLAN NGAYONG ARAW