Connect with us

Aklan News

LASING NA LADY GUARD, ARESTADO MATAPOS MAGPAPUTOK NG BARIL

Published

on

Boracay — Arestado ang isang lasing na lady guard matapos umanong magpaputok ng baril bandang alas 8:50 kagabi sa Balabag, Boracay.

Base sa report ng Boracay PNP, naaresto ang lady guard na si May Ann Agudilo, 44 anyos, tubong Mansilingan, Bacolod City nang ireklamo ni Helen Janoya, pawang residente ng isang apartelle sa naunang nabanggit na lugar.

Nabatid pa sa imbestigasyon ng mga pulis, nasa loob umano ng kanyang kuwarto si Janoya nang makarinig umano ito ng isang putok ng baril.

Lumabas umano ito at nakita mula sa ikalawang palapag ang lady guard sa bahagi ng hallway sa ikatlong palapag na may hawak na baril.

Kaagad umanong bumalik sa kuwarto si Janoya at tumawag ng pulis, na kaagad namang rumesponde sa lugar.

Doon din umano naabutan ng mga pulis ang lady guard na may hawak pang baril, at nasa impluwensiya ng alak.

Kaagad siyang inaresto ng mga pulis, at narekober ang isang basyo o empty shell ng pinaniniwalaang caliber 9mm na baril, kasama ang magazine nito na may 4 na bala. Nakuha rin mula sa kanya ang 8 bala ng caliber 9mm na nakapaloob sa kanyang bulsa.

Napag-alamang hindi updated o expired na ang DDO o Duty Detailed Order ng lady guard habang naka duty doon sa 3rd floor ng apartelle, kung kaya’t posibleng maharap siya sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Amunitions, partikular sa nakasaad sa Section 28 nito.

Samantala, kasong alarm and scandal naman ang inihanda ng Boracay PNP na isasampa sa nasabing lady guard.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *