Connect with us

Aklan News

BABAE, SINAKSAK NG LALAKING NAGWALA; ILANG HAYOP, PINAGSASAKSAK RIN NG SUSPEK

Published

on

Kalibo — Confined ngayon sa ospital ang isang babae matapos saksakin ng isang lalaking nagwala alas 11:30 kaninang tanghali sa Old Buswang, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Helen Flores, 52 anyos ng hindi pa natukoy na barangay sa bayan ng Malay, habang sinasabing may problema sa pag-iisip ang suspek na si Michael Dela Cruz, 27 anyos ng Old Buswang, Kalibo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, bigla na lamang umanong nagwala ang suspek sa hindi natukoy  na dahilan at unang sinaksak ang manok at kambing ng kanyang pinsan doon sa lugar.

Maya-maya pa, nakita umano ng suspek ang biktima habang naglilinis ito sa labas ng bahay at bigla na lamang pinagsasaksak.

Sanhi nito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na kaagad isinugod sa ospital, habang arestado naman ang suspek at pansamantalang ikinustodiya sa piitan ng Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Narekober din ang ilang patalim mula sa suspek na ginamit umano nito sa krimen

Samantala, sinabi naman ni Chery Custodio, pinsang buo ng suspek na mag-isa itong namumuhay sa ipinundar niyang bahay matapos humiwalay sa kanyang pamilya sa La Onion, matapos sumakabilang buhay ang kanyang ama.

Ayon pa kay Chery na ngayon pa lamang nangyari sa kanyang pinsan ang pagwala dahil wala itong tulog kagab.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol dito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *