Aklan News
TATLONG NAG-INUMAN SA PAMPUBLIKONG LUGAR, KALABOSO

Published
6 months agoon

Kalibo – Kalaboso ang tatlong kalalakihan matapos mahuling nag-iinuman sa pampublikong lugar alas 8:54 kagabi sa Sitio Libtong, Estancia, Kalibo.
Nakilala ang mga naarestong sina Alvin Guiller, 26 anyos ng Purok 3 C. Laserna; Rocel Solina, 27 anyos ng Bachao Sur, Kalibo; at Mico Rubio, 20 anyos ng Sitio Libtong, Estancia.
Base sa police report ng Kalibo PNP, pasado alas 7:00 kagabi nang unang nirespondehan ng mga pulis ang sumbong ng ilang residente sa lugar na nag-iiunuman umano ang tatlo malapit sa ilog.
Nangako umano ang ito sa mga pulis na ititigil na nila ang inuman.
Subalit pagkalipas umano ng halos isang oras muling nagsumbong sa mga pulis ang ilang residente doon na nagpapatuloy parin ang kanilang inuman ang mga ito, rason na muling pinuntahan ng mga pulis ang lugar at inaresto ang mga ito.
Kinumpiska rin ang kanilang lamesa at mga upuan, maging ang mga bote ng alak.
Pansamantala silang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station habang inihahanda ang kasong Disobedience Upon an Agent of Person in Authority na isasampa laban sa kanila ngayong araw.
You may like
-
2 SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE SA MOTORSIKLO NG NAKIPAGHABULAN SA MGA PULIS
-
‘Wag mag inarte kung may bakuna – SB member Augusto Tolentino
-
P50 MILYON PONDO PARA SA PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, APRUBADO NA NG SB KALIBO
-
WILLIAM LACHICA, KINUMPIRMA ANG PAGTAKBO BILANG GOBERNADOR SA 2022
-
DAHIL SA UTANG, BABAE KINAGAT
-
KALIBO PUBLIC MARKET, ILILIPAT NA SA ANDAGAO. ATI-ATIHAN SA KALIBO NGAYONG TAON, WALA NANG TRIBE COMPETITION