Connect with us

Aklan News

LALAKI, SINAKSAK NG PINSAN

Published

on

Batan — Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng pinsan pasado alas 5:00 ng hapon kahapon sa Sitio Centro, Ambolong, Batan.

Nakilala ang biktimang si Odize Ibardolaza Andrade, 39 anyos, at ang pinsan niyang suspek na si Anthony Ciervo Andrade, 37 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, kapwa naroon sa selebrasyon ng kaarawan ng kanilang tiyuhin ang biktima at suspek na pawang nasa impluwensiya na ng alak nang magdiskusyon ang mga ito.

Inawat umano ang dalawa ng ilan pa nilang kamag-anak, rason na umuwi ang biktima at minarapat ipagpatuloy ang inuman sa kanilang bahay kasama ang kanyang kapatid at dalawa pang kapamilya.

Subalit hindi umano nila namalayang sumunod pala sa kanila ang suspek at bigla na lamang siyang sinaksak sa kanang balikat gamit ang ice pick.

Kaagad naman silang naawat ng kanilang kamag-anak, at dinala sa Altavas District Hospital ang biktima, habang naaresto naman ang suspek mula sa kustodiya ni Ambolong Barangay Captain Rammy Jacinto, at narekober ang kanyang ginamit na patalim.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa piitan ng Batan PNP Station, habang inihahanda ang kasong Frustrated Murder na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *