Aklan News
3 KALABOSO SA ILEGAL NA SUGAL

Published
6 months agoon

Kalibo — Kalaboso ang inabot ng tatlong lalaki dahil sa iligal na sugal bandang alas 3:30 kaninang hapon sa F. Quimpo St. Extension, Andagao, Kalibo.
Nakilala ang mga naaresto na sina Emiliano Balajadia Jr., 39 anyos ng Sampaguita St., Andagao, Kalibo; Carlo Palma, 38 anyos ng N.Roldan St., Poblacion, Kalibo; at Felipe Del Rosario, 59 ng Mobo, Kalibo.
Base sa police report ng Kalibo PNP, bandang alas 2:00 kaninang hapon nang makatanggap sila ng sumbong mula sa confidential source na may nagsusugal sa naunang nabanggit na lugar.
Kaagad umanong pinuntahan ng mga elemento ng Kalibo PNP ang lugar at pasekretong naaktuhan ang tatlo habang naglalaro ng bilyar na may pustang pera.
Kaagad naaresto ang tatlo, at narekober ang kabuuang P840.00 na perang ipinusta nina Balajadia at Palma, na pinahawakan umano nila sa nagsisilbing ‘spotter’ na si Del Rosario; 2 billiard sticks, 1 cue guide, 6 na billiard balls, at ilan pang billiard tools.
Pansamantala silang ikinustodiya sa piitan ng Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.
Samantala, aminado naman ang tatlo na may pusta ang kanilang laro, subalit ipambibili din naman sana nila ng beer ang kanilang pera at iaambag sa isang kaibigang may birthday sa Numancia kung saan sila imbitado.
You may like
-
2 SUGATAN MATAPOS MAAKSIDENTE SA MOTORSIKLO NG NAKIPAGHABULAN SA MGA PULIS
-
‘Wag mag inarte kung may bakuna – SB member Augusto Tolentino
-
P50 MILYON PONDO PARA SA PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, APRUBADO NA NG SB KALIBO
-
WILLIAM LACHICA, KINUMPIRMA ANG PAGTAKBO BILANG GOBERNADOR SA 2022
-
DAHIL SA UTANG, BABAE KINAGAT
-
KALIBO PUBLIC MARKET, ILILIPAT NA SA ANDAGAO. ATI-ATIHAN SA KALIBO NGAYONG TAON, WALA NANG TRIBE COMPETITION