Connect with us

Aklan News

3 KATAO ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Numancia — Arestado ang tatlo sa ilegal na sugal sa isang lamay sa Brgy. Joyao-joyao, Numancia, ala 1:30 kaninang madaling araw.

Nakilala ang mga naarestong sina Belmon Mobo, 33 anyos ng Marianos, Numancia; Elmer Zendon, 30 anyos ng Laguinbanwa East, Numancia; at isang 15 anyos na binatilyong taga Marianos, Numancia.

Base sa police report ng Numancia PNP, kaagad nilang ikinasa ang anti illegal gambling operation sa lugar matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa naglalaro umano ng cara y cruz sa lugar.

Kasunod nito, naaresto ang mga suspek at narekober ang P477.00 na pusta, tatlong 25 sentimos na ginagamit nilang ‘karahan’, at isang concrete table.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Numancia PNP, habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws na isasampa laban sa kanila, habang ipagkakatiwala na sa WCPC o Women and Children Protection Center ang nasabing minor de edad para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *