Connect with us

Aklan News

NAGBIBISEKLETANG LASING, NABUNDOL NG TRAYSIKEL

Published

on

Kalibo — Sugatan ang isang lalaking nagbibisekleta matapos mabangga ng pampasaherong traysikel pasado alas 5:00 nitong hapon sa bahagi ng Toting Reyes St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Leo Juanico, 53 anyos ng Capitol Site, Kalibo, at ang nakabangga sa kanyang traysikel driver na si John Marc Yabut, 25 anyos ng Sitio Guba, Tigayon, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmamaneho ng traysikel si Yabut sa Toting Reyes St., subalit aksidente umanong nabangga ang nagbibisekleteng si Juanico na bigla na lamang umanong lumiko sa kaliwa sa direksyon ni Yabut.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang biktima at nagtamo ng sugat sa ulo at ibang parte ng katawan, na kaagad din dinala sa ospital ni Yabut.

Samantala, pasado alas 6:00 naman nitong gabi nang magkaareglo sa presento ng Kalibo PNP ang magkabilang panig, at inako pa ng huli ang gastusin-medikal ng nabanggang si Juanico.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *