Connect with us

Aklan News

P3k ayuda para sa mga tricycle drivers sa Aklan, pirmado na

Published

on

MAKAKATANGGAP ng tig P3,000 ang mga tricycle drivers sa Aklan bilang ayuda ngayong humaharap ang bansa sa krisis na dala ng COVID-19.

Laman ng Executive Order No. 031 ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang kautusang bigyan ng ayuda ang mga tricycle drivers na tinukoy ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Magmumula ang budget sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa opisina ng gobernador.

Isa ang mga drivers sa lubos na naapektuhan ng pandemya lalo na nang ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Aklan at natigil ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *