Connect with us

Aklan News

DALAWA, SUGATAN MATAPOS MAGKASAGIAN ANG KANILANG MOTORSIKLO

Published

on

aksidente sa motor photo

Dalawa ang sugatan matapos magkasagian ang kanilang motorsiko bandang alas 7:00 kagabi sa Bulwang, Numancia.

Nakilala ang mga biktimang sina Reynaldo Reyes, 29 anyos ng Purok 4 C.Laserna St., Poblacion, Kalibo at  Eduardo Carpio, 43 anyos ng Mabilo, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, kapwa nagmomotorsiklo papuntang Kalibo ang dalawa kung saan sinasabing nasa slow lane si Carpio, habang nasa fast lane naman si Reyes

Subalit pumunta umano sa linya ni Reyes si Carpio na hindi manlang  tiningnan kung may sumusunod sa kanya, rason na nagkasagian ang kanilang motorsiklo.

Resulta, kapwa sila sumemplang sa kalsada at nagtamo ng sugat sa katawan na kaagad namang dinala sa ospital.

Nauwi naman sa areglo ang insidente matapos silang makalabas agad ng ospital dahil sa tinamo nilang minor injuries.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *