Connect with us

Aklan News

14 ANYOS NA DALAGITA AT 1 LALAKI NAGBIGTI, PATAY

Published

on

Tangalan –Dalawang insidente ng pagpapakamatay ang ini-imbestigahan ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Tangalan.

Unang naireport sa Tangalan PNP alas 9:20 kahapon ng umaga ang pagpapakamatay umano ng 34 anyos na mister sa loob mismo ng bahay.

Ayon sa Tangalan PNP, natuklasan na lamang ng kanyang pamilya ang mister na nakabitay sa beam ng kanilang bahay.

Base pa sa imbestigasyon, napag-alamang umuwi ng lasing ang mister at pinagtataga ang mga tanim niyang saging, bandang alas 2:00 ng hapon bago ito natuklasang nagbigti.

Isinailalim na sa post mortem examination ang bangkay ng biktima, subalit tumanggi na umano ang kanyang pamilya na ipa-autopsy pa ang kanyang bangkay.

Kumbinsido rin umano ang mga ito na walang foul play sa pagkamatay ng biktima

Samantala, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 14 anyos na dalagita matapos umanong magbigti sa puno ng kahoy sa bundok, tinatayang 150 metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Ayon sa Tangalan PNP, napanaginipan pa umano ng kanyang ate ang dalagita na nakabitay sa kahoy, rason na pinuntahan niya ito doon at hinanap.

Dali-dali umanong tinanggal sa pagkakabitay ng kanyang ate ang dalagita at humingi ng saklolo, rason na agad siyang isinugod sa ospital.

Sinasabing may pulso pa ang biktima habang dinadala sa pagamutan, subalit hindi na ito umabot pa ng buhay doon.

Napag-alamang 1 linggong naglagi sa kanilang namatay na miyembro ng pamilya sa Altavas ang dalagita, at napansin na lamang na tila balisa nang umuwi ito sa Tangalan nitong nakaraang Miyerkules.

Sa kabila nito, kumbinsido din umano ang pamilya na walang ‘foul play’ sa pagpapamakatay ng dalagita.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *