Connect with us

Aklan News

PAGHIHIGANTI, MOTIBO NG SUSPEK SA PAGPATAY SA MADALAG

Published

on

Madalag – Kinumpirma ngayon ng Madalag PNP na paghihiganti ang motibo ng suspek sa krimen sa Poblacion, Madalag kahapon.

Kasunod ito ng pag-amin umano ng suspek na si Charlie Mar Nala na gumanti ito sa biktima dahil sa pagpatay umano ng huli sa kanyang ama mga ilang taon na ang nakalilipas.

Dagdag pa sa imbestigasyon na diumano’y natyempuhan lamang ng suspek ang biktima na bumili sa isang tindahan at dali-dali itong bumaba sa sinasakyang motorsiklo at pinagsasaksak ang biktima.

Galing umano noon ang suspek sa Alas-as, Madalag kung saan nito sinundo sa pinagtatrabahuang construction ang kanyang pinsang si Erick Nabiong, driver ng sinakyan nilang motorsiklo, kasama ang kapatid ng suspek na si Clint Reo, pawang nasa legal na edad.

Samantala, inihahanda na ngayon ng Madalag PNP ang kasong murder na isasampa laban sa suspek na sumuko kinagabihan sa Numancia PNP Station.

Alamin ang ibang detalye: https://bit.ly/2Bm7Q3M

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *