Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINADTAD NG SAKSAK, PATAY

Published

on

LALAKI TINADTAD NG SAKSAK PATAY

Madalag — Patay ang isang lalaki matapos umanong tadtarin ng saksak bandang alas 4:30 kahapon ng hapon sa Poblacion, Madalag.

Nakilala ang biktimang si Noel Donato, sa legal na edad, habang sumuko naman sa Numancia PNP ang suspek na si Charlie Mar Nala alyas Kennyboy, sa legal na edad ng Sitio Libas, Alas-as, Madalag.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Madalag PNP, bumili sa isang tindahan doon ang biktima nang biglang bumaba sa sinasakyang motorsiklo ang nakaangkas na suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Kaagad namang nirespondehan ng Madalag PNP ang insidente at dinala sa pagamutan ang biktima, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Mabilis namang tumakas ang suspek na muling sumakay sa motorsiklo ng dalawang kasama, subalit napag-alamang sumuko ito ng mag-isa bandang alas 6:45 kagabi sa Numancia PNP station.

Kaagad naman siyang kinuha ng mga taga Madalag PNP at pansamantalang ikinustodiya doon para sa karampatang disposisyon.

Samantala, nakuha din ng mga pulis Madalag sa Barangay Alas-as ang dalawang kasama ni Charlie Mar sa motorsiklo at ikinustodiya sa presento.

Hindi na muna sila pinangalanan sanhi ng nagpapatuloy pang imbestigasyon sa insidente na itinuturong sanhi ng dating alitan ng biktima at suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *